PAGKAKAMALI
Apat na taon ng mag-asawa itong si Bong at Lucy. OFW si Bong samantalang sales representative naman ng isang real estate itong si Lucy. Parehong mahusay sa trabaho ang dalawa at malakas kumita ng pera. P260,000 a month ang suweldo ni Bong at kumikita ng P50 to 70,000 naman si Lucy sa commissions a month. Maganda ang hinaharap nilang mag-asawa. Ang problema nga lang ay masyadong career minded itong si Bong kaya't sa tuwing matatapos ang kontrata nito ay kumakagat na naman sa panibagong kontrata kung saan halos isang taon siyang mawawala.
Madalas na sinasabi ni Lucy kay Bong. "Love, malaki na ang naipon natin, kaya na nating mag-negosyo. Huwag ka ng umalis."
"Hindi pa enough yan." ang laging sinasabi ni Bong. "Parang hindi mo alam na bagsak ang ekonomiya ng bansa ngayon. Tapos gusto mong mag-negosyo? Mauubos lang ang pera natin diyan."
"Pero love." ungot ni Lucy. "Gusto ko ng magka-baby tayo."
"Darating din yun." sagot ni Bong.
"Bong I'm 27 years old." sabi ni Lucy. "Ang mga kasabayan ko may mga may-anak na. Si Patty nga mas bata sa akin ng isang taon, makakadalawa na. Ano ka ba naman?"Pantasya.com - Pinoy sex stories collection.
"Lucy!" nag-iba na ang tono ng tinig ni Bong. "Future natin ang iniisip ko."
"Yun din ang iniisip ko." sagot ni Lucy. "My god love, nakita mo ba ang mga bank accounts natin?" Pinakita ni Lucy ang mga passbook kay Bong. "Tingnan mo, sa BPI may P 4,250,000 tayo, sa Prudential may P 652,000 tayo. Sa Standard Chartered Bank may P 2,167,000 tayong ipon. Hindi pa kasama diyan ang mga pera natin sa lupa. Bong, we have more than enough para mabuhay ng maayos."
"Kahit anong laki ng pera Lucy, mauubos din yan." sagot ni Bong.
"Puwede nating inegosyo ang pera natin!" bawi ni Lucy. "Bakit ba ako nag-aral ng cooking? Hindi ba para makapag-negosyo tayo ng restaurant? Okay gusto mo ng sigurado? Yung VP namin sa company nagtatawag ng isang co-investor para ma-complete ang franchise nila ng Jollibee. Love, kayang kaya nating maging investor, Jollibee pa! Walang lugi yun!"
"I'm sorry." umiling si Bong. "Pero hindi mo alam ang hirap na dinanas ko para makapag-abroad at kumita ng malaking pera."
"Bong, pinaghirapan ko rin ang pagiging sales rep. Hindi lang ikaw ang naghirap sa pera mo. Pero gusto ko ng ma-kumpleto ang pamilya natin. Anak na lang ang kulang sa atin Bong." sabi ni Lucy.
Hindi sumagot si Bong. Lumapit si Lucy at niyakap ang mister. "Huwag ka nang tumuloy sa airport bukas. Please."
"Lucy, bagong kontrata yung lipad ko bukas! Hindi puwedeng i-ignore yun!"
"Two years kang mawawala Bong. Two years pa akong maghihintay, ganun ba?"
"Ganun nga." sagot ni Bong.
"Hanggang kelan tayo ganito?" humihikbi na si Lucy. "Hanggang kelan?"
"Hanggang kaya." sagot ni Bong pagkatapos ay humiga na para matulog. Patuloy ang hikbi ni Lucy. Hindi siya pinansin ni Bong.
Kinabukasan. Gumising ng maaga si Bong. Maaga ang flight niya, 9 am. Agad na nagbihis ito at hindi na nakakain. Nasa kama pa rin si Lucy at hindi siya pinapansin. Maya-maya lumapit si Bong at hinalikan sa noo ang asawa. Hindi kumibo si Lucy, halatang masama pa rin ang loob.
"Ginagawa ko ito dahil mahal kita." bulong ni Bong.
"Hindi mo ako mahal." sagot ni Lucy. "Mahal mo ang sarili mo."
"Pagbalik ko pag-iisipan ko ang suggestion mo." sabi ni Bong.
Hindi na sumagot si Lucy. Narinig na lang niya na sumara ang pintuan.
DUMAAN ang mga buwan. Patuloy sa pag-quota si Lucy. Nakabenta siya ng bahay na worth P 12,000,000 at sa 5 percent commission ay naka-instant P 600,000 siya agad. Inilagay niya agad ito sa bangko, Kinagabihan, nag-email siya kay Bong at binalita ang nangyari. Masaya ang sagot ni Bong sa kanya at sinabing nag-iisip na itong umuwi na for good after matapos ang kontrata niya. Tuwang tuwa si Lucy at nangako ito na lalong pagbubutihin ang pagbenta para matuwa ang mister.Pantasya.com - Pinoy sex stories collection.
DUMAAN pa ang maraming buwan at nakatakda ulit umuwi si Bong sa Pilipinas dahil three months na lang, m
READ THE FULL STORY
Wait 5 seconds and click "continue"
Please Share :)
Comments
Post a Comment